Magtanim ay Di Biro


Ang mga aral na mapupulot natin sa mga yumao nating bayani ay maaari lamang makuha kung bibigyan natin sila ng panahon. Ang mga ito ang huli na nilang pagsisikap na mag-iwan ng pamana sa atin, bago sila mawala sa alaala ng kasaysayan.

Ang pinakamabubuting bayani ay yung buhay pa at patuloy na ipinaglalaban kung ano ang tama, at kung ano makabubuti sa mas nakararami.

At kahit hindi pa natin maaani ang mga bunga ng kanilang pagsusumikap, kabayanihan pa rin ang umiiral sa pagpili nila na magtanim ngayon ng mga punla para sa mga susunod na henerasyon. Diba ito rin naman ang ginawa ng ating mga ninuno para sa atin? TNU



read other related posts

return to blog list or home page