Bong


Gising na.

Ilang beses mo nang pinipindot yang snooze button ng alarm mo. Baka mapudpod na yan. Yosi muna. Tapos yosi break. Bago ka magkape, naka-tatlong stick ka na agad ng Fortune. Tapos yung kape mo, 3-in-1 na sumobra sa tamis ngunit kinulang sa caffeine. Kailangan mo ng “kape” kasi may hangover ka. Paano, nagawi ka nanaman sa inuman kagabi. At napainom ka dahil sa sobrang miserable sa trabaho. Gusto mo lang makalimot ng kahit kaunti.

Ligo. Bihis. Bigo. Alis.

Pasok uli sa opisina. Napapaisip ka ngayon na para bang namimiss mo (slight lang) ang pakikipagbalyahan sa MRT at bus. Sa mga panahong iyon, tiyak ubos ang hangover mo. Pero ngayon, COVID ang kalaban, kaya okay na rin na walang siksikan sa public transpo. Ang totoo niyan, halos walang public transpo eh…

Kaya napabili ka tuloy ng secondhand na motorsiklo–Mio, siyempre. Sinalo mo lang ang hulugan na ito mula sa kaibigan mong gipit na rin ngayong pandemya.

Bisikleta sana ang mas gusto mo, pero sabi mo, “Mahal ko pa ang mga paa ko.” At isa pa, nakakatakot isipin na babaybayin mo mula Valenzuela hanggang Makati, at pabalik, ng bike lang!

“Susmaryosep!” buntong hininga mo. Napalakas yata; napalingon sa’yo yung sekyu.

Nasa may building ninyo ka na. Kakapasok mo pa lang, iniisip mo na kung gaano kamahal ang magiging parking fee na babayaran mo mamayang uwian.

Pasok sa opisina.

Felix!” bungad na bati sa’yo ng nakangising si Bong.

Tanginang Bong yan.

TNU



read other related posts

return to blog list or home page