Isang Dialogo sa Pagitan ng Dalawang Partido


Paano kung ang dalawang matandang Boomer, na nagkataong magkapangalan pa, ay nagtagpo at nagkausap? Ang isa ay Diehard Duterte Supporter (DDS), at ang isa naman ay kasapi ng New People’s Army (NPA). Sa totoong buhay, hindi nila kilala ang isa’t isa. Wala silang wari na may isang tukmol na nag-uugnay sila, at gagawan sila ng fan fic (lol).

Ngunit ang mga pinaniniwalaan nilang prinsipyo ay, para sa kanila, totoo.

Gaya ng nabanggit, ang susunod na palitan ng linya ay fan fic lamang. Practice lang ng screenwrting, baka matanggap sa ABS-CBN kapag ni-renew na ang kanilang franchise. Kung pangbasura lang, baka sa GMA ko na lang i-submit.


Mataas na naman ang sikat ng araw. Sabi ng PAGASA, tag-ulan na, pero pumapalo na naman sa average 36 degrees Celsius ang init sa labas. Nakakasilaw ang lansangan.

Malapit nang magtanghalian. Tagaktak na ang pawis. Kakalabas lang ng kusina ang bagong lutong ulam na pagsasaluhan ng dalawang matandang lalaki na halos sabay umorder sa karinderyang ito.

Dahil mas mukhang matanda si NPA, pinauna na ito ni DDS sa pila ng mga umoorder. Alam mo naman ang mga Pinoy, mapagbigay sa mga mas nakakatanda. Okay lang, magkasunod naman sila eh. Napupuno na ang mga mesa ng mga kumakain. May mauupuan pa, pero kailangan nang magsalo sa iisang mesa ang mga ‘di magkakakilala.

Nagkataon na magka-table si DDS at si NPA

DDS: Oh, dito ka na, may silya pa sa harap ko.
NPA: Salamat, pards.
DDS: Hirap talaga kapag masarap ang luto sa karinderya na ito. Laging puno!
NPA: Oo nga eh. Gwen, pa-serve naman ng sabaw! Nakalimutan kong kumuha eh.
DDS: Ikaw, ah. Tityempo ka pa kay Gwen, ah.
NPA: Haha, ‘di naman, pards. Nakiusap lang.
DDS (nilapag ni Gwen ang hininging sabaw): Gwen, sopdrinks din pala, darling.
NPA (pabulong): Sus, siya rin pala!
DDS: Haha, paborito ko yan si Gwen. Kaya magana palagi ang kain ko dito eh.
NPA: Masarap nga…
DDS: Haha!
NPA: … ang mga putahe dito! Haha, bakit ka naman natawa?
DDS: HAHA! Alam mo gusto kita, kahit medyo nasa ganitong edad na tayo, kailangan pa ring humanap ng makakayod.
NPA: Haha! Ayos yan!
DDS: Maalala ko yang kayod na yan, bago pa mapunta sa kung anong kalaswaan…
NPA: Wala namang malaswa sa pinag-uusapan natin ah? Hehe!
DDS: Oo nga. Naalala ko lang yang kayod na yan. Ang hirap lang kumilos-kilos ngayong pandemya, ano?

Dumating ang sopdrinks at inilapag ito ni Gwen sa mesa.

DDS: Hay, sa wakas, kung di ka lang cute, Gwen, baka naubos na pasensya ko sa kakahintay.
NPA: Pards, hayaan mo na. Jam packed oh.
DDS: Mga kabataan kasi ngayon, ang kukupad kumilos eh. Noong kapanahunan natin, kailangan ariba ka lang ng ariba.
NPA: ‘Yaan mo na, pards. Baka naman di pa kumakain oh. Ang payat pa naman.
DDS: Di pwedeng kekendeng-kendeng ngayon, lalo dito sa Maynila, lalo ngayon may COVID. Sanay yata silang ganyan sa probinsya nila.
NPA: Grabe ka naman, pards. Malay ba natin kung anong kinatatayuan niyang si Gwen ngayon. Hindi naman siya ganyan kalamya dati. Baka may pinagdaraanan lang.
DDS: Hindi lang naman yan si Gwen, eh. Napansin ko lang yang ganyang asta sa mga kabataan ngayon, lalo sa Facebook. Ang daming angal, kesyo ganito, kesyo ganyan. ‘Di na lang sumunod!
NPA: Ang hirap naman sumunod kung walang malinaw na mga alituntunin.
DDS: Meron naman. Marami na ngang nilabas na mga bulletins eh.
NPA: Parang lalo lang lumalabo imbis na luminaw ang mga bagay-bagay…
DDS: Di ko alam sayo ah, pero sa akin okay naman ang mga palakad ni Duterte. Kung di nga dahil sa kanya, di mayayanig yang mga oligarchs na yan eh.
NPA: Okay din naman sa akin yang si Duterte eh –
DDS: Alam mo, okay naman talaga kung lahat lang tayo susunod sa mga batas. Ang titigas lang –
NPA: Teka lang! Patapusin mo muna ako.
DDS: – ng ulo ng mga Pinoy eh… Oh, sige.
NPA: Dati rin naman, sinuportahan ko yang si Duterte noong tumatakbo pa yan sa pagkapangulo. Sang ayon kami sa mga sinasabi niya.
DDS: Oh tapos?
NPA: Eh parang wala naman siyang isang salita eh. Papalit palit ng sinasabi. Di marunong pumirmi.
DDS: Ganun lang talaga siya, di ka pa ba nasanay sa kanya? Four years na siyang ganyan, dapat you read between the lines.
NPA: Yung war on drugs niya, ang daming mahihirap na namatay.
DDS: Eh kasi nagdrugs sila!
NPA: Ang gobyernong ito ang recruiter talaga ng NPA!
DDS: Naku, pare, wag mo akong simulan sa NPA na yan! Markado na yan ng militar natin. Ang dami na nga raw napa-surrender ng militar natin eh, alam mo ba yun?
NPA: Ha! Di totoo yun!
DDS: Paano mo naman nasabi yan?
NPA: …
DDS: …?
NPA: May kakilala akong taga-loob. Nagkukuwento siya ng mga ginagawa nila dun sa bundok. Sabi niya, gawa-gawa lang yung mga numbers na yun. Nagsisukuan daw!
DDS: Kung di sila susuko, dapat ubusin na sila.
NPA: Eh hindi sila mauubos kasi lagi silang one-step ahead sa mga sundalo. Mas kabisado nila ang pasikot-sikot ng gubat. Di kasama sa training yun ng Marines!
DDS: Wala kang bilib sa mga militar natin, no?
NPA: At siyempre, gagawa ng storya yang gobyerno para tumaas-taas naman ang trust ratings nila sa masa.
DDS: Di ka ba nanonood ng news? Marami pa ring Pinoy ang nagtitiwala kay Duterte. Isa na ako dun!
NPA: Ang hirap kasi sa inyong mga DDS, sarado na ang inyong pag-iisip.
DDS: Aba, aba! Masama bang magtiwala sa kakayanan ng isang leader? Bakit ikaw, kanino ka ba naniniwala? Dilawan ka ba?
NPA: Naku, sobrang layo ko sa Dilaw.
DDS: Kasama ka rin dun sa mga Pinoy na matitigas ang ulo. Ayaw sumunod!
NPA: Kritikal kamo. Eventually, mapapalitan din yan, at kung ano man ang kapalpakan na ginawa niya, tayo pa ring maiiwan ang magdudusa.
GWEN: Hindi ba kayo tatahimik? Di pa nga yata kayo sumubo dahil busy kayo magpataasan ng ihi eh. Mga lalaki talaga! Wala nang inatupag kundi ang bayag nilang kaliliit naman! Pinagtitingin na kayo ng ibang customer dito. Marami pang gustong kumain dito na walang makainang table. Lintik na mga tatang na ito!


Mauuwi ba sa mabuting usapin ang anumang usapang politikal? Siguro, kung pareho kayo ng kausap mo nang pinapanigan. Eh kung hindi? Paano na? Nakakaapekto ba ng damdamin ang init ng panahon, ang alinsangan?

TNU



read other related posts

return to blog list or home page