SIM Registration in the Philippines

Last Update:

UPDATE: SIM registration extended until 2023 Jul 25

Naisabatas ang SIM1 Registration sa ‘Pinas noong 27 Dec 2022 na nagsasabing kailangan nang ipa-register sa telco companies ang mga SIM card/s na mayroon tayo.2

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommuncations Commission (NTC) na silang namamahala sa registration process, nakatakda na ang deadline sa 26 Apr 2023. Ito ay taliwas sa nakasaad na 180 days ang grace period sa Republic Act No. 11934 or the Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, na kung kailan papatak dapat sa 25 Jun 2023 ang deadline.3

Sa registration, kailangan ang personal details ng may-ari ng SIM:

  • Full name
  • Date of Birth
  • Gender/Sex
  • Address
  • Type of government ID presented + ID number
  • Valid government ID with photo (max file size: 4MB)

Bakit…?

Ang main argument ng government ay para pigilan ang mga scammer na magsend ng mga SMS kung saan nakalakip ang scam.

When people started registering on Day 1, it didn’t. Months in, some users who have registered report it hasn’t. May mga ilang users sa Reddit na nagkwento ng kanilang experience:4 Beyond the deadline, it likely won’t. Scams will only get more sophisticated, as are their nature so long as tech and the people using it evolve.

Gaya ng halimbawa ng reddit user /u/bCastpCity5,

Scammers use [Voice over Internet Protocol (VoIP)] messaging services overseas. [VoIP] uses the internet to send text/call to different carriers. They dont use SIMs. [For example,] Juan Scammer in Manila uses VOiP service in Spain, routed via VPN in Switzerland to send a scam text to 1000 Globe/Smart subscribers in the Philippines. They even use a program to lists all possible numbers (with parameters) of some carriers.

… nga ba talaga?

Ang totoo niyan, maaaring maging tulay SIM Registration para gumawa ng central database ng bawat SIM kasama ang details ng registered user nito. Ang database na ito ay magiging surveillance tool ng estado, para mapadali ang paghanap sa isang tao o grupo ng mga tao na kanilang target.

Halimbawa:

  • Isang journalist na nag-iimbestiga sa illegal mining na sangkot ang isang pulitiko ang maaaring takutin para bitawan ang assignment;
  • Isang grupo ng mga aktibista na nag-rally ang maaaring ma-redtag, matunton at makulong sa ilalim ng Anti-Terrorism Act.6
  • Ikaw na inis nang makatanggap ng scam messages, dahil may malicious attacker naka-access ng central server at ninakaw ang personal info ng mga registered users, ay maaari na ring makatanggap ng personal visit o padalhan ng kung anu-ano mula sa mga scammer.
  • At iba pa

Isa pa: di na rin nakakapagtaka kung ngayon ay mababalitaan niyo na mayroon nang black market para sa mga registered SIMs.

Ano ang mga pwedeng gawin?

Magpa-register ka man o hindi ng iyong SIM, maganda pa ring malaman kung ano pa ang ibang alternative ways kung paano makipag-usap sa ibang tao sa loob at labas ng digital space ng iyong phone.

Walang madaling solution na mura at madali para sa lahat. Kung noon ay convenient na ang kumonek sa internet gamit ang data sa smartphone, malilimitahan na ito sa pag-connect na lamang sa wifi.7

Information Drive kontra scam

Kung ang layunin talaga ng SIM Registration Act ay pigilan ang mga scam, bakit hindi na lang mas pagbutihin pa ang mga information drive upang ipalaganap pa ang mga kaalaman para kontrahin ang mga scam?

Ang mga ito ay ilang halimbawa kung saan maaaring i-broadcast ang information drive na ito:

  • ads sa radyo at TV
  • ads sa diyaryo, magazine, brochure, at iba pang mura o libreng printed materials
  • ads sa social media sites, gaya ng FB, IG, YouTube, atbp.
  • pamimigay ng flyer sa mga pampublikong lugar

Maaari ring magbahagi ng tips ang magkakaibigan at magkakakilala kung paano malaman kung ang isang message ay isang scam. Bagaman ‘di na sakop ng post na ito para ilista pa ang mga paraan para malaman na ang isang bagay ay scam, maraming magandang article sa internet tungkol dito.

Malawakang effort ang kailangan dito, at tayo-tayo lang din ang magtutulungan.

Pag-gamit ng PET messaging apps.

PET (Peer-to-peer, encrypted, Tor-routed) messaging apps 8 ay magandang gamitin bilang communication tool dahil sila ay:

  • Peer-to-peer: Hindi na kailangang dumaan sa isang central server ang mga messages, at sa halip ay direcho na sa device ng kausap mo. ‘Yun nga lang, kailangang gumagamit kayo ng kausap ng parehong app, at sabay na online para makapag-usap. Wala na kasing central server sa pagitan niyo kung saan maaari sanang naka-imbak lang muna ang mga message, na ipapadala na lang kung online na ang recipient.
  • End-to-end encrypted, na ang ibig sabihin, ang receiver lang ng message ang siyang maaaring makabukas at makabasa ng message mo, at wala nang iba.910 Noong hindi pa uso ang data encryption, posibleng silipin ng malicious attacker ang message galing sa isang device patungo sa isa pa, gaya nang mga sulat noon sa sobre na pwedeng buksan ninuman bago pa makarating sa papadalhan.
  • Tor-routed: Ang mga identity ng users at ang ginagawa nila ay hindi na makikilala kapag dumaan na sa Tor network. Nangyayari ito sa tuwing ang internet connection ng isang user ay pinapadaan sa iba pang Tor servers (o Tor relay). Sa bawat hop o pagtalon ng connection mula sa isang server patungo sa susunod, nag-iiba ang IP address.1112

Ang mga sumusunod na PET apps ay hindi rin nangangailangan ng phone number (di gaya ng Signal Messenger13):

Briar

  • https://briarproject.org
  • Basic 1:1 chat
  • Group chat, where only the creator can add new members
  • Forums, like group chat, but any member can invite anyone
  • Blog
  • RSS feed reader
  • Android only
  • One device, one account only

Cwtch

  • https://cwtch.im
  • Basic 1:1 chat
  • Group chat
  • Supports multiple profiles on one device

Offline-first apps

Kung smartphone ang gamit mo, mahalaga na may mga offline-first apps ka, o mga apps na di kailangan ng internet para gumana.

Bukod sa Calendar at Calculator, ito pa ang ilang apps na maaaring gumana offline:

Kiwix

OsmAnd

Survival Manual

F-Droid

  • https://f-droid.org/
  • Android only
  • Catalogue of Free and Open Source Software (FOSS) apps; parang App Store, pero lahat ay FOSS

TNU


  1. More technical info about SIM cards here: https://en.wikipedia.org/wiki/SIM_card ↩︎

  2. Philstar.com. “Said to Curb Spam Texts and Crime, SIM Card Registration Now a Law.” Accessed April 7, 2023. https://www.philstar.com/headlines/2022/10/10/2215642/said-curb-spam-texts-and-crime-sim-card-registration-now-law↩︎

  3. “Philippines: The Department of Information and Communications Technology Not Extending the SIM Registration 26 April 2023 Deadline.” Accessed April 7, 2023. https://insightplus.bakermckenzie.com/bm/intellectual-property/phillipines-the-department-of-information-and-communications-technology-not-extending-the-sim-registration-26-april-2023-deadline↩︎

  4. See the discussion: https://redd.it/10bm0p1 ↩︎

  5. See the discussion: https://redd.it/12ah7zl ↩︎

  6. Amnesty International. “Dangerous Anti-Terror Law in the Philippines yet Another Setback for Human Rights,” July 3, 2020. https://www.amnesty.org/en/latest/news/2020/07/philippines-dangerous-antiterror-law-yet-another-setback-for-human-rights/↩︎

  7. Bagaman may mga public wifi na libreng maki-hotspot, hindi rin ito palaging safe at secure, at maaari ring maging paraan para mangalap ng info sa mga users na kokonek dito. ↩︎

  8. More info in this downloadable zine: https://itsgoingdown.org/wp-content/uploads/2022/10/petguide_read.pdf ↩︎

  9. “What Is End-to-End Encryption? | IBM.” Accessed April 7, 2023. https://www.ibm.com/topics/end-to-end-encryption↩︎

  10. Tignan ang aming idea tungkol sa isang posible alternative e2ee: http://aklas.xyz/lowtech-e2ee/↩︎

  11. Whonix. “Why Does Whonix ™ Use Tor?,” November 17, 2022. https://www.whonix.org/wiki/Why_does_Whonix_use_Tor↩︎

  12. “Tails - Limitations of the Tor Network.” Accessed April 7, 2023. https://tails.boum.org/doc/about/warnings/tor/index.en.html↩︎

  13. Ang Signal ay end-to-end encrypted, at magandang option pa rin para sa mga taong di problema na ipa-register ang kanilang SIM. More info here: https://signal.org ↩︎