Get Rid of TV


Bakit mo ba kailangan ng TV? Sabik ka na bang maging updated sa mga latest advertisements and commercials? Kasi karamihan ng air time ngayon sa TV, puro ads na lang, eh. Yun ba ang inaabangan mo?

Kung hindi, bakit mo kailangan ng TV? Para makapanood ng news? Kung news lang din, mas marami nang magagandang avenues para makapagbasa nito. Kung may access ka lang din sa internet, mas mabilis dito makasagap ng news. Mas marami pang choices na legit news outlets na halos walang biases. Kung wala kang access sa internet, may mga diyaryo pa naman na inililimbag – magbasa ka. Siguraduhin lang na wag mag-stick sa iisang pahayagan, para mas makapagbasa ka ng mas maraming pananaw mula sa mas maraming journalists. Sasabihin ko pa ba na mas maganda rin ang mga broadsheets kumpara sa mga tabloid?

Ito ang mas magandang recommendation: ‘Wag magbabad sa news!

Hindi tayo ginawa para maging hypervigilant sa lahat ng bagay na sa huli ay wala rin naman tayong direct connection. Hindi ibig sabihin nito na wag nang makialam. Magkaiba yun. Sapat na ang isang beses sa isang araw ang makasagap ng balita, na mangyayari naman talaga kung mas pipiliin mong magbasa ng diyaryo.

Kung susundin mo ang payo ko na hindi na maglagi sa news, kailangan mo pa ba ng TV?

Paano ka manonood ng entertainment gaya ng mga palabas na sinusubaybayan mo? Mga pelikula? Di ba mas magandang panoorin ang mga ito sa malalaking screen? Hmm, good point. Ang totoo niyan, ikaw na ang makakasagot niyan.

Ako kasi, wala na akong TV mula pa noong 2015. Limang taon na. Di na masama. Kung ano man ang “pagkukulang” ng TV sa buhay ko, pinunan naman ito ng “Internet”. Ang katwiran ko kasi, one way lang ang interaction sa TV. Ang producer ay gagawa ng content, at ibibigay sa consumer o viewers. Hindi ka na makakapag-react real time, di gaya sa internet. At gaya na nga ng sabi ko, mas marami ang legit choices sa internet dahil ito ay pwedeng magamit ninuman. Hindi na kailangan ng malakihang budget para makapagproduce ng content. Kung may access ka sa internet, sapat na iyon para ipahayag sa mundo ang nasa loob mo. Ang downside lang nito ay mas marami at mas malakas ang ingay sa internet.

Kung ayaw mong maniwala sa akin, at gusto mo pa ring magkaraoon ng TV sa inyong bahay, okay lang yan. Karapatan mo yan. May mga mungkahi lang ako para hindi maging hadlang ang panonood ng TV sa buhay mo:

  • Wag gawing sentro ng sala o living room ang TV. Wag iharap ang mga upuan at sofa sa TV.
  • Takpan ang TV ng tela sa tuwing hindi ito ginagamit. Kung medyo extreme ka naman, i-disassemble mo ito at itago sa isang kuwarto sa tuwing hindi ginagamit. I-assemble lang tuwing manonood.
  • Wag maglagay ng TV sa kuwarto o lugar ng bahay kung saan ka natutulog. Isa lang itong distraction. Kung “magpapaantok” ka, mas mabisa ang talab ng pagbabasa ng libro.
  • Maging mindful sa panonood ng TV; hindi yung pagkauwi mo galing sa trabaho ay agad-agad mong bubuksan ang TV nang wala ka man lang palabas na nasa isip na gusto mong panoorin. Maaksaya rin sa kuryente kung gagawin mo lang pang-background noise ang iyong TV. Mainam pang makinig ka na lang ng music o podcast sa smartphone mo. Sa kada bubuksan ang TV, dapat mayroon ka ng papanoorin. Wag magpalipat-lipat ng channel para lang maghanap ng mapapanood. Mag-search online ng mga schedule ng palabas.
  • Mas mainam kung hindi ka na sumubaybay sa mga mainstream broadcasting stations. Maaari na nating sabihin na bawat broadcasting stations ay may kanya-kanyang agenda, propaganda. Ang pag-iwas sa mga shows nila ay isang hakbang tungo sa pag-unlad ng kaisipan, sa totoo lang. Gamitin na lang ang iyong TV para panoorin ang mga series at movies na nasa CD, DVD, o downloaded galing internet. TNU


return to blog list or home page