Kawalan Ng Katarungan


Ang mumo na pinag-aagawan ay winawalis na lamang sa tahanan ng mga nakalalamang. Kung alam nila ang tungkol sa agawan, masasama silang tao, ngunit ‘di na ito nakapagtataka. Kung ‘di nila alam, mangmang sila at dapat turuan ng leksyon tungkol sa kalam ng sikmura.

Wala akong kinikilalang poon o amo. Gayon pa man, ang realidad ay karamihan sa atin ay alila, kung hindi man utusan ng isang poon o amo. Para sa mga taong ito, hindi sapat na sabihin lang na “Wala akong kinikilalang poon o amo” lalo na’t ito ang buhay nila.

Wala akong kinikilalang poon o amo, ngunit mayroon talagang mga tao na ganun ang estado nila sa buhay. Nakamit nila ‘yun dahil nakapanggigipit sila sa iba’t ibang paraan – sa dahas, sa pera, sa kaakit-akit na pagkatao, atbp.

Wala akong poon o amo, at kailanma’y ‘di ako kikilala ni isa. Daanin man niya ako sa pwersahan, peksman! Kung kaya ko lang din, ‘di ko pahihintulutan na mang-api siya sa ibang tao.

Ang mga poon at amo ay nagkukunwaring tagapagsagip, ngunit ang katotohanan, sila ang pinakamapang-api! TNU



read other related posts

return to blog list or home page